i am a writer on my own way..!!!

Mga paborito kong stories na sila ang gusto kong gumanap sa mga character sa storya...JAEVON....kathang-isip lamang lahat ng mababasa ninyong story....sana'y magustuhan ninyo..!!!

Wednesday, September 29, 2010

STILL YOU





Chapter 1
“Hindi ka maniniwala,Devon,” wika kay Denise Vienne ng kanyang amangsi Danny nag dumating ito sa citrus farm nila.

“Alin ho and hindi kapani-paniwala?” tanong niya rito habang sinisipat niya ang mga bulaklak ng orange plant.

“Nagbalik si James. Nandito siya!”

Sandaling hindi siya nakahuma sa sinabi nito. But her mind was racing. Nasa Los Primeros si James? Ang…ang hinayupak na lalaking iyon? “Eh, ano naman ho ang hindi kapani-paniwala roo? Tanong niya nang makabawi.

“Sino ba ang magsasabi na babalik pa siya rito? Aba, pitong taon na ang nakararaan mula nang umalis siya ng Los Primeros. At alam mo ba ang balita? Mayaman nap ala ang batang iyon. Milyonaryo na. May tindahan siya ng mga alahas sa maynila. Sa Bulacan siya nakatira at naroon din ang pagawaan niya ng mga lahas.”

“Eh, ano naman ngayon kung milyonaryo na siya, ‘Tay?” inis na wika niya. Pumihit siya at naglakad palayo.

“Aba’y bakit ka ba nagagalit? Iniwan mo pa ako.” Tumawa ito. “Galit ka pa rink ay James dahil sa pagbibigay niya sa iyo ng second hand roses, ano?” pasigaw na wika nito.

“Ewan ko sa inyo!” Binilisan niya ang paglalakad. Nagtingo siya sa cottage na nasa gitna ng five-hectare citrus farm ng kanilang pamilya sa Los Primeros, Nueva Vizcaya.

Mlayu-layo na rin ang bahay nila mula roon na nasa mas patagna lugar. Kalahating kilometro ang kailangang lakarin. Ang farm na iyon ay ipinamana lang sa kanyang ama ng lolo at lola niya. Seven years ago nang maisipan ng tatay niya nag awing citrus farm ang lupang minana nito. Iyon na kasi ang trend sa lugar nila. Halos lahat ay nagtatanim ng citrus.

Kapag kailangan niyang magpalit ng damit , kapag inaabutan siya ng ulan o gusto niyang mamahinga ay sa cottage housesiya nagpupunta. Maliit lang iyon. Pero saradung-sarado kaya may privacy siya. Kompleto na iyon sa gamit. Well, furniture was more like it. Walang appliances doon tulad ng TV dahil walang kuryente. Wala naming kaso iyon sa kanya dahil hindi pa niya nararanasang matulog doon.

“O, anong ginagawa mo rito?” tanong niya kay Fretzie nang lumabas ito ng cottage. Isa ito sa mga kababata at kaibigan niya.

“Hinanap kita. ‘Buti na lang at nagpunta ka rito. Hindi ka maniniwala, sis,” excited na wika nito.

May pakiramdam siya na tungkol sa pagdating ni James din a ng ibabalita nito sa kaniya. “Huwag mo nang ituloy –“

“Nandito si James!” Tumili pa ito at nagtatalon.

Nakaismid na pumasok siya sa cottage. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom.

Naramdaman niyang hinawakan siya ni Fretzie sa kanyang balikat. “Wala ka bang sasabihin?”

“Alam ko na ang tungkol doon. Sinabi na sa akin kanina ni ‘Tay.”

“Halika, magpunta tayo sa bahay nila.”

Nakasimangot na humarap siya rito. “Bakit naman tayo pupunta roon?”

“I-welcome natin siya. Kagabi siya dumating sabi sa kin ni yen.” Ang tinutukoy ay ang isa pa nilang kababata. “Alam mo ba ang sabi ng mga tao? Ang gwapu-gwapu-gwapo raw niya. Gusto ko siyang Makita. SAmahan mo ako, Devon. Please?” Niyakap nito and braso niya.

“ Heh! Para kang sira.”

Tinignan siya nito nang mataman. “Ikaw ba, ayaw mo siyang Makita? Sa pagkakaalala ko, nagkaroon ka rin naman ng crush sa kanya.”

“Matagal na iyon.”

Nagbilang ito sa mga daliri.”Apat na taon ang tanda niya sa atin, ‘di ba? Eh, di twenty-seveno twenty-eight na siya ngayon.”

“Babalik na ako sa farm. Pupunta ako sa piggery.” Bukod sa mga citrus ay may inaalagaan silang mga nbaboy at manok sa farm.

“Hmp! Mas gusto mo pa bang Makita ang mga maantot na mga hayop kaysa kay James? Ang weird mo talaga, Devon.”

“Busy ako. WAla akong pahahon para makakita ng dating kakilala na hindi ko naman nagging kaibigan.”

“Ang sabihin mo, hindi mo kayang Makita si James.” Humalikipkip ito.

“Marami pa akong gagawin. Bakit ba hindi ka makaintindi?” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Pati ang mga butas ng ilong niya ay nanlaki.

“Kitam? Umiiwas ka. Hindi mo sinagot ang sinabi ko. Eh, di hindi mo nga talaga siya kayang Makita. Nahihiya ka ba kay James?”

“WAla akong dapat ikahiya sa lalaking iyon, Fretzie. Siya ang may atraso sa akin.”

Pumitik ito sa hangin. “Lumabas din ang totoo! Hindi mo pa rin nakakalimutan na ginawa ka niyang panakip-butas sa ate mo noon.”

“Eh, ano kung hindi ko pa rin nakakalimutan iyon? Hindi naman talaga kalimut-limot iyon.Pero walang kilaman iyon sap unto ko, wala akong panahong samahan ka na magpunta sa bahya nila dahuil busy ako. Bu-sy a-ko,” pagdiriin pa niya sa dalawang huling salita.

“Fine!” Itinaas nito ang mag kamay. “Ako na lang ang pupuntang mag-ias roon. Magsisisi ka na hindi ka sumama sa akin.” Umirap ito bago lumabas ng cottage.

Hindi ako magsisisi.

PAGKATAPOS asikasuhin ang piggery ay ang poultry naman ang pinuntahan niDenise Vienne. Simula nang matapos siya sa kolehiyo ay inasistihan na niya nag kanyang ama sa pagpapatakbo ng farm na ang karaniwang mga Gawain ay pag-aalaga sa mga citrus, pagbubungkal ng lupa, pagha-harvest at paged-deliver ng mga anis a kooperatibe. Sitar in ang nagsusuma ng mga gastusin at perang pumapasok sa farm. Doon niya naa-apply ang kanyang pinag-aralan.

SA Baguio siya nagkolehiyo. Balak niyang mag-aral ulit at mag-masteral sa Asian Institute of Management. Malayo ang NCR sa Cagayan Valley. Mas praktikal sana kung sa Baguio siya kukuha ng masteral. Pero gusto rin niyang mapag-aralan ang kalakaran sa Metro Manila dahil iyon ang pinakamalaking market nila. Sa Metro Manila dinadala ang malaking bahagi ng mga orange ng kanilang farm, particular sa mga supermarket tulan ng Robinsons at Shopwise. Gusto niyang pag-aralan kung paano sila makakapagbagsak ng mga orange sa ibang mga supermarket. And maybe, magsara na rin ng transaction deals.

“Bakit nandito pa ang mga ito,Yong?” tanong sa binatilyong farmhand. Ang tinutukoyniya ay angdalawapung trayng basag na itlog. “Basa” ang tawag sa mga itlog na may crack. May kumukuha sa kanila ng mya iyon, si aling Potencia na gumagawa ng lengua.

“Naku!Nakalimutan ni Mang Danny.”

Napailing siya. “Si Tatay talaga. Inuuna pa kasi ang tsismis.” Isa-isa niyang bunuhat ang mga tray ng mga itlog. “Ako na ang maghahatid ng mgaito kay Aling Potensia. Hinihintay na niya ang mga ito.”

“Sigurado ka, Devon?Ako na lang kaya? Masyadong mabigat ang mga iyan.”

“Anong mabigat?Mas magaan pa nga ito sa sako ng feeds.” Kata niyang bumuhat ng isang sako ng feeds.” At saka ita-tricycle ko naman ang mga ito paglabas ko ng farm. Tapusin mo na lang ang pagpapaligo sa mga baboy. Babalik din ako kaagad.”

ISINAKAY ni Denise aang mga tray ng mga itlog sa sidecar ng tricycle na ginagamit nila kapag may kailangan silang bilhin sa palengke. Walang magnanakaw sa lugar nila, kaya nagagawa nilang iwan sa daan ang tricycle. Iniipit lang nila sa ilalim nu upuan and susi para lang makasiguro.

“Oy, Devon! Dala mo nab a ang mga itlog?” pasigaw na tanong ni Aling Potencia buhat sa loob ng tindahan nito nang dumating siya.

“Oho. Pasensiya na ho kiung naantala ang pagdadala.”Bumaba siya ng tricycle. Bumuwelo siya bago binuhat ang mga tray ng mga itlog at isa-isang ibinaba sa kalsada. “Si Tatay kasi, habang tumatagal ay nagiging makakalimutin.”

Isa-isang binuhat niya ang mga tray para ipasok sa tindahan ni Aling Potenciana. Naramdaman niya na parang may nanonood sa kanya. Lumingon siya sa ibabaw ng kaliwang balikat niya.

“Denise?” medyo nakangiwing tanong nito. “H-hindi ikaw iyan, ‘di ba?”

Shit! Sana rin ay hindi siya si Jmaes kahit kamukha niya si James.

Hindi niya ipinakita rito na na-rattle siya pagkakita niya rito. “ Ako nga si Denise. Bakit? Kilala ba kita?”

“It’s me James. Hindi mo nab a ako natatandaan?”

Tumaas ang mga kilay niya. Hingaod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng Brown leather jacket sa ibabaw ng striped dark blue ang white collared shirt, corduroy pants, halata naman mamahalin ang mga iyon at signitured.

Toto nga na masalapi na ang damuho, sa loob-loob niya.

“Ahm…Hindi kita nakilala. Ang laki kasi ng pinagbago mo.”

“Ikaw rin.”

HInagod din siya nito ng tingin. Muli. Kanina pa nito tinitignan ang ayos niya at obvious na hindi ito na-impress. Mukha ngang nagtataka ito kung bakit ganoon ang porma niya. Kulay lumot na long sleeved T-shirt na naka-tuck in sa lumang jeans at working boots ang suot niya. Naka-ponytail ang mahabang buhok niya, maraming hibla na ang kumalas mula sa pagkakatali.

Pwede nang sabihin na mukha siyang basahan sa hitsura niya nang mga sandaling iyon samantalang ito ay mukhang fresh na fresh. But what the heck?

Muling binalingan niya ang mga tray ng mga itlog.

“Ako na—“ prisinta nito. Ngunit bago pa ito makalapit sa kanya ay nadala na niya sa tindahan ang mga iyon.

“Heto nap o, Aling Potencia. Pasensiya nap o uli kung natagalan sa pag-deliver.”

“Ayo slang Devon. Hindi pa naman dumarating ang magbibiyak ng mga nito.” Ibinigay nito sa kanya ang kaukulang bayad.

Bumalik na siya sa tricycle at sumampa sa motor.

“Hey, Denise,” tawag ni James sa kanya.

“Bakit?” walang emosyong tanong niya rito.

Kabaligtaran iyon ng takbo niya. Ayoko sanag mapansin, pero tama nga si Fretzie, James is gorgeous to the third power!

Ang tuwa lang sana niya kung pumangit o napanot ito sa paglipas ng mga taon. But no, lalo pang gumuwapo ito. He was twenty when she was sixteen. Nag-i-stand-out na ito sa mga kalalakihan sa buong Cagayan Valley noong twenty years old ito kahit medyo may kapayatan ito. Ngayon ay nagkalaman na ito at mas nagkaroonng karakter ang mukha. Maganda rin ang tindig nito, nagpapakita na confident ito. He had every reason to be.

“Pupunta ako sa bahay n’yo mamayang gabi,” anito.

“Bakit?” kunot noong tanong niya rito.

“Inimbitahan ako no Mang Danny na sa inyo maghapunan.”

“Ah, talaga? Sige, tuloy na ako.” Si Tatay talaga ! Humanda siya sa akin mamaya!

”Denise.”

“Bakit na naman?” iritadong tanong niya. Hindi siya makaalis-alis dahil panay ang tawag ni James sa kanya.

“Pauwi ka nab a?”

“Hindi pa ako uuwi. Babalik ako sa farm.”

“Mapapadaan ka naman sa bahay kung hindi ako nagkakamali. Sasabay na ako sa iyo.” Pumasok na ito sa sidecar nang hindi man lang itinatanong kung pumapayag siya.

Ang kapal din nglalaking ito! Tadyakan ko kaya palabas?